Rainbow Solidarity for the the Cuban Five
Kami, ang mga nakalagda, ay nanawagan ng bagong paglilitis para palayain ang Cuban 5 na sina Ramon Labanino, Fernando Gonzalez, Rene Gonzalez, Antonio Guerrero, at Gerardo Hernandez.
Ang lima ay nahatulan dahil sa paghadlang at pagtigil sa mga banta ng terorismo. Sila ay nandito sa bansang Estados Unidos upang subukang subaybayan at hadlangan ang mga bantang terorismo sa bansang Cuba ng mga tauhang suportado ng CIA na nagbabahasa at kumikilos sa labas ng Estados Unidos. At ito ay hindi pa kasama sa bilyu-bilyong dolyar galing sa ating mga buwis na binubuhos ng Washington sa kayang pekeng “Giyera laban terorismo”.
Ang lima ay nahatulan noong Hunyo 8, 2001, sa salang “Espionage Conspiracy”. Ngunit walang pruweba ang hatol na ito. Ang paglilitis ay naganap sa lungsod ng Miami, isang kilalang bastiyon ng mga “right wing” na Cubano.
Noong Agosto 2005, isang panig ng tatlong huwes sa 11th circuit court of appeals sa lungsod ng Atlanta ang nagsasabing “perfect storm” na mga kundisyon ang dahilan kung bakit imposible ang patas na paghuhukom. Sa harap nito, ipinagkakait pa rin ang isang bagong paglilitis. Sa unang bahagi ng 2005, tinakda ng gropung tagapaganap ng arbitrary detentions ng “UN commission on Human Rights” na ang pagkakakulong ng limang bilanggong political sa Estados Unidos ay labag sa International Convention para sa karapatang pang-sibilyan at pang-politika.
Sa harap ng lumalakas at lumalawak na suporta sa Estados Unidos at sa buong mundo para sa Cuban 5, sila ay nananatili sa malayong US maximum security penitentiary na may sentensya mula labinglimang taon hanggang dalawang sunod-sunod na “life terms”.
Ang mamamayang Cubano ay may karapatan na pansariling determinasyon at pambansang soberenya. Dapat itigil ng Estados Unidos ang pakikialam sa Cuba, pagbaba ng mga “economic sanctions” sa mamamayan nito at pag-atake ng mga hukbong mersenaryong “contra” na kumikilos sa Estados Unidos at binibihasa ng CIA. Ito ay iligal na giyera. Kami ay nananawagan ng bagong paglilitis at palayain ang Cuban 5.
Initial Signers:
Alison Bechdel Bolton VT
Leslie Cagan National Coordinator, United for Peace and
Justice*, NY, NY
Angela Y. Davis University of California-Santa Cruz
LeiLani Dowell, National Coordinator FIST (Fight
Imperialism, Stand Together), New York, NY
Leslie Feinberg co-chair LGBT caucus National Writers
Union/UAW; managing editor, Workers World newspaper, J.C.,
NJ
Stephen Funk U.S. Marine, 1st imprisoned Iraq War
conscientious objector, Iraq Veterans Against the War, San Francisco, CA
Teresa Gutierrez New York Free the Cuban 5 Committee, New York, NY
Jesse Lokahi Heiwa Queer People Of Color Action, New York, NY
Camille Hopkins Director of NYTRO (NY Transgender Rights
Organization) of Western New York, Buffalo, NY
Lani Ka'ahumanu BiNET USA, Cazadero CA
LAGAI--Queer Insurrection San Francisco Bay Area, CA
Bet Power director of Sexual Minorities Archives,
Northampton, MA
Minnie Bruce Pratt writer and anti-racist,
anti-imperialist activist, Jersey City, NJ
Bev Tang organizer for Anakbayan, LA, CA
Queers Without Borders Hartford, CT
Laura Whitehorn, former political prisoner, New York, NY
More Signers
|
|
PDF in Chinese (Traditional)
PDF in Chinese (Simplified)
Dansk - Danish
Deutsch - German
Ελληνικά - Greek
English
PDF version in English
Español - Spanish
PDF en Español y Inglés
PDF version in Spanish & English
PDF in Farsi / Persian
فارسی
Français - French
Hrvatski - Croatian
Italiano
PDF in Japanese - 日本語
Português
Tagalog
Türkçe - Turkish
Ang tulong ninyo ay kailangan upang mapalaya ang Cuban 5!
Ako, kasama ng ibang lesbiyana, bakla at transekwal na mga aktibista na nakikipagtulungan sa New York Committee to Free the Cuban Five ay hinihikayat kayong lumagda at sumali sa panawagan sa ibaba at laganap na ikalat ito. Ang Cuban 5 ay mga bilanggong political na hawak ng gobyerno ng Estados Unidos para sa “krimen” na paghadlang sa “terror attacks” ng Estados Undios laban Cuba. Ang mga korte sa Estados Unidos ay kasalukuyang ipinagwalang bisa ang pasiya para sa isang bagong paglilitis. Sa panawagan na ito, kami ay umaasang pukawin ang poot at galit sa pagtudla at patuloy na pagkabilanggo ng lima.
Sabi ni Alice walker, “Ang kuwento ng Cuban 5 ay kuwento ng katapangan, sakripisyo at pag-ibig. Ito ay kuwento para kahabaan ng panahon. Ang pakikitungo na natanggap ng limang bilanggo ay nakakahiya; lalo na ang pagkanlong nito. Saan na ang mga taong may tapang na igiit na ang mga bilanggo ay hindi makaranas ng tortyur?” (Letters of Love and Hope: The Story of the Cuban Five - Mga Sulat ng Pag-ibig at Pag-asa: Ang kuwento ng Cuban 5)
Pagkalipas ng ilang oras tapos lumabas ang panawagan ng Rainbow Solidarity with the Cuban 5, daan-daang lesbiyana, bakla, bisekwal, transdyender, transwekwal, intersekwal, gender non-conforming, self-identified queer na mga aktibista, cross dressers at marami pang ibang kasarian/sekswal na inaaping indibidwal at gropung aktibista ay agaran at masigasig na lumagda.
Sa karagdagan, mga taong nagpapataguyod ng karapatang pantao at kalayaan sa buong Estados Unidos at sa ibat-ibang bahagi ng mundo, ng ibat-ibang nasyonalidad, edad, kasarian at sekswalidad ay lumagda at sumali na rin sa panawagan.
Sa diwa ng tunay na pagkakaisa, kami ay nagtatayo ng Rainbow Solidarity for the Cuban 5 na sumasaklaw sa buong mundo.
Ngayon, kailangan nating abutin ang libu-libong pa para magbuhos ng makapangyarihang pagdiin sa gobyerno ng Estados Unidos upang palayain ang lima. Kapag nalagdaan na ito ng marami, itong panawagan para sa bagong paglilitis at kalayaan ng limang ay ipapadala sa “Attorney General” ng Estados Unidos.
Mangyari po lamang punuin ang mga kahon sa form na ito upang idagdag ang inyong pangalan sa importanteng inisyatibong ito. At kung maari po sana ikalat ang panawagang ito, hikayatin ang lahat na nagpapahalaga ng hustisya para lumagda rin.
Sa ika-13 hanggang 14 ng Enero, kami ay umaasang magkaroon ng “webpage” para sa Rainbow Solidarity, na nakasalin sa ibat-ibang wika, para sa mga online signers sa www.freethefiveny.org. Ipapaskil din ang panawagang ito sa website para ma-download at maipamudmud ng malawakan. Mangyari po lamang na makipagugnayan sa akin kung makakatulong ka sa pagsalin nitong introduksyon at panawagan sa ibat-ibang wika.
Sa pakikipagtulungan at pakikiisa, mabibigyan natin ng kalayaan ang Cuban 5!
Palayain ang Cuban 5! Leslie Feinberg
transgenderwarrior@gmail.com
|
|